Mga armas at communication equipment na sapilitang kinuha ng China mula sa mga sundalo sa nakalipas na RoRe mission, hindi pa naibabalik

Naghihintay pa ng tugon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kaukulang ahensiya kaugnay ng kanilang panawagan na ibalik ng China ang mga kinumpiska nilang armas at communication equipment sa pinakahuling rotation and resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal noong June 17, 2024.

Maalalang sapilitang kinuha ng China Coast Guard ang mga disassembled na armas at equipment ng mga sundalong Pinoy habang pinipigilan ang RoRe mission sa BRP Sierra Madre.

Sa kabila nito, muling sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na hindi sila patitinag sa mga hakbang ng China at ipagpapatuloy pa rin ang misyon ng kanilang mga tropa sa WPS dahil ito ang kanilang mandato.


Tiniyak din ni Trinidad na mayroon silang mga bagong hakbang upang hindi na maulit pa ang nasabing insidente.

Maaalalang sa agresibong aksyon ng China isang sundalo ang naputulan ng daliri habang pinagbubutas din ng mga ito ang ating rigid-hulled inflatable boats.

Facebook Comments