Mga Armas at Gamit ng NPA, Nadiskubre ng Militar

36

*Cauayan City, Isabela*- Nadiskubre ng tropa ng 86th Infantry ‘Highlander’ Battalion ang ilang mga armas at gamit ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa barangay Nagabgaban, Aglipay, Quirino.

Ito ay sa tulong ng pagbibigay impormasyon ng isang sibilyan sa mga sundalo na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa bayan ng Aglipay at ilan pang bahagi ng Lalawigan ng Quirino.

Nasamsam ng kasundaluhan sa lugar ang dalawang (2) M16 rifle, dalawang (2) magazine, 69 pirasong bala ng 5.56, isang (1) bushnell scope, mga subersibong dokumento at mga personal na gamit na inabandona ng mga rebelde na gumagalaw sa probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Pinasalamatan naman ni LTC Ali Alejo ang mga mamamayan sa lugar dahil sa ipinakitang suporta sa tropa ng pamahalaan lkung saan ay indikasyon na aniya ito na ayaw na ng mga tao sa komunidad ang presensya ng mga makakaliwang pangkat.

Nasa Kustodiya ngayon ng 86th IB ang mga nadiskubreng armas, bala at mga gamit para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments