TARLAC CITY – Nakahanda na ang mga armas na bibilhin ng Pilipinas sa China.Sa kanyang speech sa Camp Servillano Aquino sa Tarlac City – sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinukulit na siya ng China na kunin ang mga armas.Paglilinaw naman ng pangulo, na hindi libre at babayaran ang mga armas sa loob ng 25-taon.Kasabay nito, inatasan ng pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana na magpunta sa China para kunin ang mga armas.Samantala, nagbabala naman ang pangulo sa banta ng terorismo sa bansa.Una rito – pinuri ni Pangulong Duterte ang mga sundalo sa magandang performance ng mga ito kung saan sinabi nitong kontento siya sa ginagawang aksyon ng Armed Forces of the Philippines.
Facebook Comments