Mga armas ng mag-amang Garin, isinuko na

Isinuko na nina Iloilo First District Representative Richard Garin at Guimbal Mayor Oscar Garin ang kanilang mga armas sa PNP.

Nai-turn over na sa pulisya ang limang baril ng alkalde at siyam naman sa 11 armas ang isinuko naman ng kongresista.

Ang mga hindi pa naibabalik, dalawang baril ang nasa Maynila umano habang nawawala naman ang tatlong iba pa.


Ayon kay Iloilo Police Provincial Director, Senior Superintendent Marlon Tayaba –iniimbestigahan nila ang mga ulat na may mga hindi pa naitu-turn over na baril ang mag-amang Garin na walang lisensya.

Matatandaang kinansela ng PNP ang permit to carry firearms ng mag-amang Garin kasunod ng pambubugbog nila kay PO3 Federico Macaya.


Facebook Comments