Mga artista at netizen, nag-react sa bagong Darna

730
via Jane de Leon, Angel Locsin, Liza Soberano

Matapos ang ilang buwan na paghahanap kung sino ang susunod na magiging iconic pinay superhero, ipinakilala na sa publiko ang 20 taong gulang na aktres na si Jane de Leon.

Una na ngang winithdraw ni Liza Soberano ang role bilang Darna dahil sa finger injury nito na sumailalim siya sa tatlong operasyon.


Si Jane ay gumanap na Maggie sa ‘Halik’ na kapatid ni Lino sa serye. Isa rin siya sa ‘Girltrends’ o girl group ng network.

Binati naman nina Liza Soberano, Angel Locsin, Ogie Diaz at iba pang artista si Jane sa social media.

Ayon naman kay Direk Joey Javier Reyes, “Congratulations to the NEW DARNA: Jane de Leon! A hard working and talented young lady who deserves this biggest break. All the best to you.”

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang pagpili ng ABS-CBN management kay Jane.

Ayon kay Ronald Gem, “To be fair, ang ganda ng bagong Darna ha. She can look innocent as Narda and fierce as Darna. Congratulations, Jane De Leon!”

Nagpasalamat naman si Jane sa ABS-CBN sa malaki at bagong proyekto na ipinagkatiwala sa kaniya ng istasyon.

Facebook Comments

From Advertisers