Umani ng sari-saring reaksyon ang taongbayan sa naging resulta ng midterm elections lalo na sa pagka-posisyon sa Senado.
Kabilang na rito ang mga artista na nagpahayag ng opinyon sa social media tulad nila Angel Locsin, Adrian Alandy, at iba pa.
Sa datos na inilabas ng COMELEC, 94.94% (as of 2:50pm) partial results galing sa clustered precints, nangunguna rito si Cynthia Villar habang kasunod naman sila Grace Poe, Bong Go, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Sonny Angara, Lito Lapid, Imee Marcos, Francis Tolentino, Bong Revilla, Koko Pimentel at Nancy Binay na pasok sa Magic 12.
Ayon sa tweet ni Angel Locsin, “Bakit grabe yung effort para makasira? Wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA siya? Dahil ba gumagawa sya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag isip sana tayo.”
bakit grabe yung effort pra makasira? wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA sya? dahil ba gumagawa sya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag isip sana tayo https://t.co/yAoG4fIbSh
— Angel Locsin (@143redangel) May 13, 2019
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Adrian Alandy, isa sa mga gumaganap sa afternoon series na Kadenang Ginto, sa kaniyang tweet: “Kulang pa ba ang ninakaw nila sa bansa natin para iboto natin sila sa Senado?”
Bong Revilla?? Imee Marcos?? Kulang pa ba ang mga ninakaw nila sa bansa natin para iboto natin sila sa Senado?!
— Adrian Alandy (@adrian_alandy) May 13, 2019
Ayon naman kay Saab Magalona, “Do not blame the uneducated voters, blame the educated leaders who want to keep them uneducated.”
Do not blame the uneducated voters, blame the educated leaders who want to keep them uneducated.
— Saab (@saabmagalona) May 13, 2019
Sabi rin ni Agot Isidro, nobya ng Senatorial candidate na si Floril Hilbay, “Klaro kung sino ang nanalo dito. China.”
Klaro kung sino ang nanalo dito.
China.
— Agot Isidro (@agot_isidro) May 14, 2019
Napasigaw naman ng “Glory to God! Thank you, Jesus” si Coney Reyes habang iprinoproklamang mayor ang anak na si Vico Sotto.
Binati rin siya ni Joey de Leon na kasama ng kaniyang ama na si Vic Sotto at lolo na si Vicente Sotto na host sa noontime show na Eat Bulaga.
(Cherrylin Caacbay contributed to this story)