Mga artistang ipinapahayag ang saloobin kontra sa pag-aangkin ng China sa WPS, pinuri

Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang mga artistang ipinapahayag ang pagtutol sa ginagawang pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaang binatikos ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa kawalan ng aksyon sa pangunguha ng mga mangingisdang Tsino sa giant clams o mga higanteng taklobo sa Panatag Shoal.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maituturing na insipirasyon si Regine para sa mga Pilipino na hindi takot na ihayag ang saloobin hinggil dito.


Ikinagalak din ng Bise Presidente na may celebrities ang matibay ang loob para ipanawagan sa gobyerno na gumawa ng hakbang  sa tila pagpagsok ng China sa teritoryo ng bansa.

Maliban kay Velasquez, ang aktres na si Agot Isidro at aktor na si Dingdong Dantes ay vocal laban sa mga polisiya ng administrasyon sa China.

Hinimok ni Robredo ang lahat na iparinig sa pamahalaan ang kanilang boses hinggil sa usapin.

Facebook Comments