Mga artistang sangkot sa illegal drugs, tiniyak na mapapanagot

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakasuhan ang mga artistang sangkot sa ilegal na droga.

Ito ay kapag mayroong sapat na ebidensyang magpapatunay na dawit sila sa illegal drug trade.

Ayon sa Pangulo – hindi siya sang-ayon na pahiyahin ang mga ito pero iginiit niya na dapat dumaan ang pagpapanagot sa mga ito sa legal na proseso.


Aniya, may karapatan ang publiko na malaman kung ang mga ito ay asset o liability ng gobyerno.

Inako naman ng Pangulo ang responsibilidad sa pagsasapubliko ng pangalan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Aminado rin ng Pangulo na hindi niya personal na kilala ang mga pulitikong isinasangkot sa illegal drug trade.

Nabatid na nasa 31 celebrities ang nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na karamihan ay gumagamit ng cocaine, marijuana, shabu at party drugs na isasailalim pa sa validation.

Facebook Comments