Inimbitahan ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte at siyam na iba pang Asean leaders na bumisita sa Estados Unidos sa darating na Marso.
Ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), si Pangulong Duterte ay iniimbitahan ng White House na dumalo sa isang summit sa pagitan ng US at Asean leaders sa Las Vegas sa March 14, 2020.
Ang imbitasyon ay unang lumabas noong Asean Summit sa Bangkok, Thailand nitong Nobyembre, at muling inilabas sa pamamagitan ng sulat na may petsang January 09, 2020.
Ang meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at President Trump ay inaasahang pagtitibayin pa ang matagal na alyansa ng Pilipinas at ng US.
Hindi ito ang unang beses na inimbitahan si Pangulong Duterte na pumunta sa White House.
Ang imbitasyon ay inilabas sa gitna ng pag-apruba sa probisyon sa US 2020 National Budget kung saan bawal pumasok ng Amerika ang mga opisyal ng gobyernong sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.