MGA ASHERS NG SMALL TOWN LOTTERY SA SISON, SURIGAO DEL NORTE DAPAT MAKA-UNIPORME AYON SA CHIEF OF POLICE

MGA ASHERS NG SMALL TOWN LOTTERY SA SISON, SURIGAO DEL NORTE DAPAT MAKA-UNIPORME AYON SA CHIEF OF POLICE
Ang lahat ng mga ashers ng Small Town Lottery sa bayan ng Sison, Surigao del Norte dapat magsuot ng mga uniporme sa lahat ng oras. Ito ang binigyangdiin ng Chief of Police na si Police Inspector Jun Hontanosas.
Ito’y matapos na isa sa mga ashers ng STL sa naturang bayan ang kanilang hinuli sa isa sa mga operasyon laban sa illegal gambling. Ayon kay Inspector Hontanosas, bagama’t legal ang operasyon ng STL, dapat na sumunod sa alituntunin ang mga ito gaya ng pagsusuot ng uniporme at ID para madaling makilala.
Dagdag pa nito, ang mga ashers na walang pagkakakilanlan ang hinuhuli at sinasama sa police station sa pagpapalawig ng kanilang kampanya laban sa illegal gambling.

Facebook Comments