BAGUIO, PHILIPPINES – Ang City Veterinary Office ay magsasagawa ng death by euthanasia para sa mga asong gala na hindi kukunin ng may-ari sa pitong araw nito sa city pound.
Ayon kay City Veterinarian Brigit Piok, ang mga hindi pa nakukuhang aso ay sasailalim sa Animal Welfare Act guidelines kung saan papatulugin ang hayop sa “makataong paraan”, at ililibing sa Compound ng Department of Agriculture pagkatapos.
Nasa 10 hanggang 15 ang naitalang nakukuha araw-araw at nasa 20 na asong gala naman ang nagtatagal sa City Pound at kasalukuyang nasa 100 na aso na ang nakakulong dito.
pinapaalala naman ng City Veterinarian na maging responsableng pet-owner at kung hindi naman talaga marunong mag-alaga ay dapat huwag na lamang mag-alaga.
Ang City Veterinary Office ay nakapagtala naman ng 40,000 na nakarehistrong aso at mayroon lamang 169 ang pumunta para magpa-microchip ng alaga.
Mayroon namang kumite na isinagawa si Mayor Benjamin Magalong sa bisa ng Executive Order No. 163, Ang Rabies Prevention and Stray Dog Control committee na magsasagawa at magpaplano kung paano magiging rabies-free ang Baguio City sa darating na mga taon.
iDOL, maging responsableng may-ari sana tayo ng ating mga alaga.