Mga aspirante sa chief justice post, nagsimula nang sumalang sa panel interview

Manila, Philippines – Humaharap ngayong araw sa panel interview ng Judicial and Bar Council, o JBC ang apat na mga mahistrado ng Korte Suprema na aspirante sa chief justice position

Kaugnay ito ng nakatakdang pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa October 18, 2019.

Unang sumalang sa unang batch ng public panel interview ngayong umaga sina Assoc. Justices Jose Reyes Jr. at Diosdado Peralta.


Susunod naman mamayang hapon sina Assoc. Justices Andres Reyes Jr. at Estela Perlas-Bernabe.

Nauna nang pinalawig ng JBC ang pagsusumite ng aplikasyon ng nominasyon para sa chief justice post pero ang apat lamang na mga nabanggit na justices  ng Korte Suprema ang nagsumite ng kanilang aplikasyon.

Facebook Comments