Nananawagan ngayon ang karamihan sa mga aspirants na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 sa bayan ng Malasiqui dahil sa mabagal na usad ng pagtanggap ng mga COMELEC.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang aspirant sa bayan, nag-aalala anila sila na baka umano hindi sila ma-accommodate hanggang sa huling araw ng pagsusumite ng COC dahil sa mabagal na pag-usad ng pila.
Karamihan sa mga aspirants ay sa mismong filing area na sila natutulog upang makaabot at makapaglista.
Dahil dito, isinangguni ng IFM Dagupan ang himutok ng mga aspirant sa COMELEC Malasiqui sa pangunguna ni Acting Election Officer Jeanette Hernandez na ginagawa anila ang kanilang makakaya upang i-accommodate lahat ng mga nakapag-palista na mag-sumite ng kanilang COC.
Sinabi rin nito na bumilis na ang proseso dahil sinisiguro na ng kanilang hanay kung kumpleto na sa mga dokumento at requirements ang mga nakapilang aspirant upang hindi na mag-resulta sa pagka-antala.
Panawagan naman ng COMELEC Malasiqui, na kumpletuhin na ang kanilang mga requirements upang dire-diretso na sa proseso. |ifmnews
Facebook Comments