Iginiit ng Commission on Elections o COMELEC Region 1 ang pagpaparehistro ng mga gagamiting online platforms ng mga aspirants para sa paparating na halalan.
Sa panayam kay COMELEC Region 1 Assistant Regional Director Atty. Reddy Balarbar, sinabi nito na ang hakbang ay upang maiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa paparating na halalan.
Diumano, madalas kasi na gamitin ang mga online platforms sa pagpapakalat ng mga magkakatunggali ng black propaganda laban sa isa’t isa.
Dagdag pa ni Atty. Balarbar, inatasan ang Task Force Katapatan Katarungan at Kakayahan upang hindi lumaganap ang anumang kasinungalingan online.
Layunin pa nito na mabigyan ng patas na pagpapakilala at pangangampanya gamit ang mga online platforms.
Ang naturang polisiya ay nakasaad sa Comelec Resolution No. 11064. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨