Mga asymptomatic at mild cases ng COVID-19, pinabibigyan ng SAP

Ipinasasama ni Iloilo Rep. Janette Garin sa mabibigyan ng social amelioration ang mga asymptomatic at mild symptomatic COVID-19 cases.

Sinabi ng dating Health Secretary na dapat isama sa Social Amelioration Program at mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang mga asymptomatic at mild cases ang sakit upang may maitustos sa pamilya habang nasa isolation.

Giit ng kongresista, hindi makakapag-trabaho ang mga ito dahil naka-quarantine at malaking tulong kung maisasama ang mga asymptomatic at mild cases sa mabibigyan ng financial aid ng pamahalaan.


Samantala, suportado ng kongresista ang implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pero iginiit nito na hindi pa rin ito ang solusyon para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Bagama’t makakahinga ng bahagya ang health care system at mga medical frontliners, kinakailangan pa rin aniyang sabayan ito ng whole nation approach at government efforts para tuluyang bumaba ang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Facebook Comments