Mga atake ni dating Pangulong Duterte laban kay PBBM, walang lugar sa mga high-level discussion

Tila pinangaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa panibagong atake nito laban sa kaniya.

Kamakailan ay sinabihan ng dating pangulo na ‘crybaby’ o iyakin si PBBM na palagi umanong lumalapit sa Amerika.

Ayon kay Pangulong Marcos, dapat ay alam na ni Duterte na mali ang mga ‘ad hominem’ na patama lalo pa’t isa siyang abogado.


Wala umanong lugar sa mga high-level discussion tulad ng trilateral summit ng Pilipinas, US, at Japan ang mga ganitong uri ng atake.

Dagdag pa ng pangulo, wala na siyang oras para sa mga banat ni Duterte at hindi na rin niya pinapansin ang mga personal na tirada nito, na matatandaang tinawag na rin siyang ‘adik’ noon.

Facebook Comments