MGA ATLETA AT COACHES NG ANGADANAN, MAKAKATANGGAP NG CASH INCENTIVE

CAUAYAN CITY- Makakatanggap ng cash incentives ang mga atletang nagkamit ng medalya at kanilang coaches sa bayan ng Angadanan sa kakatapos lamang na 2024 Legislative District Palaro.

Ito ay malugod na inanunsyo ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban kung saan makakatanggap ang mga atleta mula sa individual events ng P3,000 para sa gold, P2,000 sa silver at P1,000 sa bronze habang sa team events na may 4-9 atleta ay P13,500 sa gold, P9,000 sa silver, at Php4,500 sa silver.

Para naman sa team events na may 10-15 atleta ay P22,500 sa gold, P15,000 sa silver at P7,500 sa bronze.


Ayon naman sa Municipal Ordinance 2024-370, bawat coach ay makakakuha ng 50% sa cash incentive na nakuha ng athlete.

Samantala, gaganapin ang cash distribution sa ika-22 ng Oktubre sa IP Hall, Angadanan, Isabela.

Facebook Comments