Bacolod, Philippines – naprobahan na sa regular session kahapon ng Sangguniang Panlungsod ng Bacolod City ang panukalang magbibigay ng cash incentive o reward sa mga atleta ng lungsod na nakakuha ng medalya sa Palarong Pambansa 2017 na kasalukuyang isinasagawa sa lalawigan ng Antique.
Ayon sa chairman ng committee on finance ng SP Coun. Cesar Distrito na nararapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga atleta na nagbibigay ng karangalan sa Bacolod.
Ipinaliwanag ni Distrito na kung walang matitira sa 3.5 million pesos na paunang allocation ng lungsod para sa palaro, mangangalap ito ng iba pang pagkukuhaan ng pondo para sa mga atleta.
Ang Negros Island Region ay nagpadala ng 650 na atleta sa Palarong Pambansa at halos kalahati nito ang nagmula sa division of Bacolod kung saan may nakakuha na ng gold medal.
DZXL558