Mga atleta na sasabak sa mga international competition, dapat maisama sa COVID-19 vaccine priority list

26

Hiniling ni Committee on Sports Chairman Senator Christopher “Bong” Go kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na isama sa prayoridad na mabigyan ng COVID 19 vaccine ang mga atleta na lalaban sa international competitions.

Paliwanag ni Go, bandila ng Pilipinas at dangal ng lahing Pilipino ang itatanghal ng ating mga atleta sa mga pandaigdigang kompetisyon tulad ng Tokyo Summer Olympics at Southeast Asian Games na parehong nakatakdang ganapin ngayong taon.


Diin ni Go, dapat lamang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga atleta bilang sukli sa karangalan na ibinibigay nito sa ating bansa at bilang daan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Go, ang paglaban sa kompetisyon ay kabuhayan na rin ng mga atleta lalo na yaong nagmula sa mga malalayo at mahihirap na komunidad at tanging inaasahan ng kanilang mga pamilya.

Ayon kay Go, mainam na unawain na kasama rin ang mga atleta, coaches at trainers sa maraming nawalan din ng kabuhayan dahil sa pandemya.

Facebook Comments