Mga atleta ng Philippine Army, nakasungkit ng gintong medalya sa 2022 Asian Netball Championship

Wagi ang mga atleta ng Philippine Army matapos silang makasungkit ng gintong medalya sa Plate Category ng 2022 Asian Netball Championship sa Singapore.

Ang netball ay parang basketball na mayroong tig-pitong manlalaro, kung saan ang layon ay i-shoot ang bola sa isang net na walang board.

Kaiba sa basketball, hindi pwedeng i-dribble ng mga manlalaro ang bola at maaari lamang itong hawakan ng hindi lalagpas ng 3 segundo.


Ang Philippine Team na pinamunuan ni Philippine Army netball athlete Corporal Vangie Soriano ay nakipagtunggali sa 11 teams mula sa iba’t ibang bansa mula Setyembre 3 hanggang 12.

Una na ring nagkamit ng silver medal ang Philippine Netball team sa pangunguna ng dalawang army athletes sa 2022 International Netball Event sa Jeonju, South Korea noong nakaraang buwan.

Kasunod nito, pinapurihan ni Philippine Army Special Service Center Director Col. John Oliver Gabun ang kanilang mga atleta sa magkasunod na tagumpay at sa husay na kanilang ipinamalas sa Netball Championship.

Facebook Comments