Ginawaran ng congressional awards ng Kamara ang mga atletang nagwagi sa 2020 Tokyo Olympics.
Pinangunahan nina House Speaker Lord Allan Velasco at ilang lider ng Kamara ang paggawad.
Kabilang dito ang kauna-unahang silver medalist at weightlifting champion na si Hidilyn Diaz na tumanggap ng Congressional Medal of Excellence.
Ginawaran naman ng Congressional Medal of Distinction ang mga silver medalist at Pinoy boxers na sina Carlo Paalam at Nesty Petecio at ang bronze medalist na si Eumir Marcial.
Ayon kay Velasco, karapat-dapat na makatanggap ng parangal ang naturang mga atleta dahil sa ibinigay nilang karangalan lalo pa’t may pandemya.
Aniya, dapat tawaging modern day heroes ang naturang Pinoy athletes dahil sa kanilang ipinakitang husay.
Binigyan din ng pagkilala ang mga coach at team na sumabak sa Tokyo Olympics.
Dumalo rin ang 1996 Olympic boxer na si Onyok Velasco na binigyan ng Congressional Certificate of Recognition.