Manila, Philippines – Ipapasilip ng Kamara sa Civil Service Commission (CSC) kung kwalipikado ang mga atletang kinuha ng Bureau of Customs (BOC) bilang empleyado nito.
Ayon kay House Deputy Speaker at Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, hindi naman nila minamaliit ang mga atleta pero hangad lamang nilang matukoy kung akma ang mga ito sa kanilang posisiyon sa BOC.
Batay aniya sa natanggap niyang dokumento, ang naturang mga atleta ay itinalaga sa Office of the Commissioner, assessment, import at sa intelligence group ng BOC.
Nauna nang inamin ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa pagdinig ng House Ways and Means Committee na kinuha nila ang serbisyo ng 28 atleta para maglaro sa kanilang sinasalihang liga.
Facebook Comments