Mga atletang lalahok sa international sporting events sa 2021, ipa-prayoridad din sa pagbabakuna

Kinumpirma ni Testing Czar Vince Dizon na isa sa bibigyang prayoridad sa bakuna kontra COVID-19 ang mga atletang Pinoy na lalahok sa iba’t ibang international sporting events sa susunod na taon.

Ayon kay Dizon, patuloy na nilang itinataguyod ang nasimulang tagumpay sa nakaraang SEA Games kaya’t kabilang ang mga atleta sa mga unang mababakunahan partikular ang mga lalahok sa 2021 Tokyo Olympics.

Nabatid na apat na atleta na ang siguradong may ticket para sa Olympic Games habang nasa 80 pa ang nag-aasam na makapasok sa qualifiers.


Maliban sa Tokyo Olympics, pinaghahandaan din ng ibang atleta ang kanilang mga laban sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand, pati na rin ang Southeast Asian Games sa Vietnam na parehong gaganapin sa susunod na taon

Facebook Comments