Mga atletang magwawagi sa SEA Games, iimbitahan at gagawaran ng pagkilala ng Senado

220

Iimbitahan ng Senado at gagawaran ng pagkilala ang mga atletang magtatagumpay mula sa ginaganap na Southeast Asian Games.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kinikilala ng mataas na kapulungan ang mga nagbibigay ng karangalan at gumagawa ng mabuti para sa bansa.


Sabi ni Zubiri, igagawad ng Senado ang pagkilala ilang araw matapos ang pagsasara ng SEA Games sa Disyembre 11.

Samantala, masayang-masaya si Zubiri na kabilang sa humakot ng medalya ang mga manlalaro ng Arnis.

Si Zubiri ang tumatayong manager ng Arnis Team at siya rin ang  presidente ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation.

Facebook Comments
From Advertisers