Garantisadong iimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at bibigyan ng insentibo ang mga atletang nagwawagi ngayon sa Southeast Asian Games.
Ito ang inihayag ni Senator Christopher Bong Go na chairman ng Senate Committee on Games and Sports.
Ayon kay Go, ang anumang ipagkakaloob ng Pangulo sa mga atletang magtatagumpay sa SEA Games ay bukod pa sa cash incentives na iniuutos ng batas.
Inihalimbawa ni Go ang pagbibigay ni Pangulong Duterte na tig-iisang milyong piso kamakailan kina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, champion gymnast na si Carlos Yulo at champion boxer na si Nesthy Petecio.
Dagdag ni Go, gagawaran din sila ng Order of Lapu-Lapu – isang pagkilala sa may malaking kontribusyon sa adbokasiya at kampanya ng administrasyon.
Facebook Comments