Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sipag at tiyaga ng mga Pilipinong atleta na nagpakitang gilas sa ginanap na 32nd Southeast Asian (SEA) Games at 12th ASEAN Para Games.
Ang pagkilala ay ginawa ng pangulo matapos pangunahan ang pagbibigay ng parangal at insentibo sa mga atleta sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.
Mahigit 900 atleta ang nakipagpaligsahan sa isinagawang SEA Games at ASEAN Para Games sa Cambodia noong nakaraang Mayo at Hunyo ng kasalukuyang taon.
Facebook Comments