Mga ATM ng BPI, isasailalim sa system upgrade

Pansamantalang maaantala ang operasyon ng automated teller machine o ATM ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa susunod na buwan.

Ayon sa BPI, magsasagawa sila ng major systems upgrade para mapabuti ang kanilang serbisyo.

Dahil dito, hindi muna magagamit ang online banking, mobile application, bizlink platform, ATM, cash accept machine at debit at prepaid card services ng BPI mula alas-10:00 ng gabi ng April 5 hanggang alas-5:00 ng umaga ng April 7.


Bukas naman ang ilang branches ng BPI sa April 6 at 7 para i-accommodate ang kinakailangang serbisyo ng kanilang mga customers.

Para makita ang listahan ng mga bukas na branches ng BPI maaaring bisitahin ang kanilang website.

Facebook Comments