Hinimok ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang kooperasyon na isa sa pinakamalaking automotive dealers association sa bansa na tumulong sa pagresolba sa backlogs sa car plates at delay sa pagpapalabas ng car registration documents.
Nagtatag ng Technical Working Group ang LTO na siyang nagsusuri at bumubuo ng mga solusyon sa “low lying” problems sa ahensya kasama ang mga stakeholder sa transportasyon.
Ayon kay Mendoza, may ilang pagbabago na kanilang ginagawa sa tulong ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at motorcycle dealers association.
Ang iba pang pagbabago sa mga patakaran ay naipasa na sa Department of Transportation (DOTr) para maaprubahan.
Bahagi ng problema na nilulutas ngayon ni Mendoza ay ang motor vehicle plates.
Sa kasalukuyan, may 80,000 plate backlogs pa rin ang kinakaharap ng LTO.