Mga awardees sa 3rd CSR Guild Awards ng LCF, inanunsyo; RMN Foundation, sumuporta

Photo Courtesy: Radyoman Mike Goyagoy

Inanunsyo ng League of Corporate Foundations (LCF) ang mga awardees sa 3rd CSR Guild Awards 2022.

Ang LCF ay network ng malalaking operating at grant-making corporate foundations and corporations sa bansa kung saan kasapi ang RMN Foundations.

Bahagi ito ng apat na araw na 20th LCF expo na nagsimula noong July 4 at nagtatapos ngayong araw.


 

 

 

Sa nakalipas na tatlong araw ay nagkaroon ng mga workshop at presentasyon ng kani-kanilang mga advocacies ang mga kalahok.

Ang Corporate Social Responsibility (CSR) Guild Awards ay iginagawad sa mga foundations at corporations na namumukod tanging ang kanilang mga proyekto sa aspeto ng Corporate Social Responsibility.

Ngayong 20th LCF expo, nakibahagi rito ang 94 na participants.

Mula sa 33 na entries, kabilang sa mga pinalad na maging finalists sa outstanding CSR projects ay ang mga sumusunod:

• Disaster Resilience

– BPI Foundation
– Metro Pacific Investment Foundation

• Education

– Knowledge Channel
– Filipinas Shell Foundation
– Vivant Foundation

• Enterprise Development

– Jollibee Group Foundation
– Unilab Foundation
– Ayala Foundation

• Environment

– BPI Foundation
– Aboitiz Foundation
– Energy Development Foundation

• Financial Inclusion

– BPI Foundation

• Health

– Team Energy Foundation
– Energy Development Corporation
– Primary Structure Educational Foundation

• Arts and Culture
– BPI Foundation
– Ayala Foundation

Ayon kay Sebastian Quinones, Chairman ng LCF, dalawang taon ding isinagawa sa online ang kanilang expo activity dahil sa pandemya, pero ngayon ay face-to-face na ang isinagawang expo at awarding.

Taong 2019 nang sumama ang RMN Foundation sa League of Corporate Foundations CSR expo.

 

 

Ngayong taon aktibong nakibahagi ang RMN Foundation bilang bahagi ng committee on disaster, partikular sa communication campaign.

Facebook Comments