Mga ayuda, dapat nang dagdagan kasunod ng pangunguna ng Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na nakakapagtala ng maraming nga health professionals na namatay

Dapat nang dagdagan ang mga ayuda sa mga health care professionals tulad ng personal protective equipment (PPE) at face mask.

Dapat na ring ibigay ang benepisyo at maayos na pagtrato sa mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Naunahan na kasi ng Pilipinas ang mga bansa sa buong mundo sa nakakapagtala ng maraming nga health professionals na namatay matapos mahawa sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Sa nakuhang datos ni Atty. Larry Gadon, mula sa John Hopkins University sa Estados Unidos, mas malaki ang banta ng bilang ng fatalities ng mga health care professionals sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa.

Sa kada tatlong health care professionals, 9.95% ang recorded death sa ating bansa na sinundan ng Indonesia na 4.90%, ikatlo ang Pakistan na 4.55%.

Ang Amerika na nangunguna sa may pinakamaraming infected number of patients ay pangalawa sa pinakahuling bansa na may record na namamatayan ng health care professionals na mayroong 0.30%.

Ang China naman na unang bansa na pinagmulan ng COVID-19 ay nasa pangsiyam na pwesto kung saan mayroon lamang itong 0.33%.

Sabi ni Atty. Gadon, paliit nang paliit ang bilang ng mga health care professionals sa bansa habang patuloy naman sa paglobo ang tinatamaan ng COVID-19.

Facebook Comments