Mga ayudang hindi pa naire-release, pinamamadali nang maipamahagi

Aabot pa sa halos P₱10 bilyong ang pondong hindi pa naire-release ng gobyerno.

Kasama sa pondong hindi pa naibibigay ay ang unconditional cash transfer sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Nakapaloob pa sa nasabing budget ang P2.5 billion para sa ayuda na ipinangako sa mga magsasaka at sa transport sector na pangunahing apektado ng mga oil price hike.


Bukod dito, may balanse pa sa rice farmer financial assistance na puwedeng ipamahagi ng Department of Agriculture o DA bilang tulong sa mga magsasaka.

Naka-standby din ang iba pang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) pero kailangan pa otorisasyon para rito.

Giit ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, dapat bago matapos ang Duterte administration ay maipamahagi na ang iba pang benepisyo o ayuda sa mga apektadong sektor dahil sa epekto ng sunod-sunod na oil price hike at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Umaapela si Salceda sa Malakanyang na ipamahagi na ang naturang pondo sa lalong madaling panahon dahil malaking tulong ito sa ating mga kababayan.

Facebook Comments