Mga babae, pinag-iingat sa mga manyakis sa loob ng mga pampublikong transportasyon

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng mga asosasyon ng mga bus at jeepney operators’ ang mga kababaihan dahil sa paglakat ng mga manyak sa mga pampublikong transportasyon.

Ito’y dahil sa sunud-sunod na reklamo mula sa mga babaeng pasahero na mula titig, sipol at garapalang paghipo ang kanilang nararanasan sa mga lalaking nagkulang sa tamang asal.

Marami na ring kwento ang ilang kababaihan ang ibinahagi sa social media kung saan nababastos sila sa mga jeep at bus.


Paalala ngayon ni ka-Obet Martin, presidente ng Pasang Masda – obligasyon ng driver na siguruhing mapapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.

Ayon naman kay Elena San Pedro, president ng interboa, isang asosasyon ng mga city bus operators sa mga nabibiktima, palaging tandaan na maraming tutulong sa ‘yo sa loob ng sasakyan.

Dagdag pa ni San Pedro, huwag din magpapasindak sa mga bastos na driver o kundoktor.

Kapag nakaranas ng pambabastos mula sa driver at kundoktor, ugaliin kuhanan ng litrato, kunin ang plaka saka isumbong sa Land Transportation Office (LTO) at magsumite ng pormal na reklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments