Nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang mga babaeng miyembro ng grupong Akbayan.
Ito’y upang maghain ng petisyon para himukin ang DOJ na maglabas ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Giit ng Akbayan, kinakailangan mapanagot si Quiboloy sa mga krimen nito tulad ng rape, child abuse at human trafficking.
Paliwanag ng grupo, panahon na para kumilos ang DOJ para hindi makatakas si Quiboloy at mapanagot ito sa batas.
Hindi rin daw dapat balewalain ang mga kinahaharap na akusasyon at reklamo kontra sa naturang pastor kung saan hangad nila na makuha ang hustisya ng mga nabiktima nito.
Bukod sa DOJ, tutungo rin ang Akbayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para maghain ng petisyon para ipakansela ang pasaporte ni Quiboloy lalo na’t sa ilalim ng Phiippine Passport Act of 1996 ay maaari itong bawiin lalo na’t pinaghahanap ito ng batas.