Mga babaeng PDL, pinayagang bumisita sa kanilang mga asawa sa Bilibid

Higit tatlumpung babaeng persons deprived of liberty o PDLs mula sa Correctional Institute for Women ang pinayagang mabisita ang kanilang mga asawa na nakakulong naman sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kahapon.

Ilan sa 35 babaeng PDL ay kapwa akusado sa mga kasong kinasasangkutan ng kanilang mga asawa o partners.

Ayon sa pamunuan ng Bureau of Corrections, bihira ang pagbisita ng mga babaeng inmate pero ginawa nila ito sa diwa ng Pasko.


Facebook Comments