Mga Babaeng Pulis ng Mobile Force Company, Sasailalim sa Mabigat na Training!

Cauayan City, Isabela- Inihahanda na ng Police Regional Office No. 2 (PRO2) para sa iba pang pagsasanay ang mga kababaihan na nasa ilalim ng kalulunsad na ‘All-Women City Mobile Force Company’ sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay Regional Director P/BGen. Angelito Casimiro, ang Mobile Force Company ay mapapabilang din aniya sa Special Weapon Action Team o SWAT.

Dagdag pa ng opisyal, ilan din sa mga kababaihang pulis ay isasailalim sa pagsasanay gaya ang pagiging sniper, pagiging negotiator at pagkakabilang sa tactical teams.


Paliwanag pa ni Casimiro na ang pwersa ng kababaihan ay paraan para ipamalas ang kanilang hanay at bigyan ng oportunidad na karamihan ay mga kalalakihan ang pangunahing kasama dito.

Samantala, naglagay na rin ng 2nd Mobile Force Company sa Probinsya ng Quirino kahapon habang inihahanda na rin ang karagdagan para naman sa Probinsya ng Nueva Vizcaya.

Ipinagmalaki naman ni Casimiro ang mga kababaihang pulis dahil tila magaling aniya ang mga ito pagdating sa mga kasanayan sa pagpapaputok ng baril kumpara sa mga kalalakihan.

Giit pa niya, nakasentro ngayon sa pagpapatupad ng anti-criminality operation at pagtugon sa usapin ng mga kababaihan at mga bata ang ‘all-women force at hindi na sa internal security operation ng pulisya.

Inihalimbawa din ng opisyal sa kanyang pag-iikot sa mga istasyon ng pulis ay sadyang malilinis at mga mababangong istasyon dahil sa mga kababaihang hepe na namumuno.

Facebook Comments