Inihain ni Senator Ramon Bong Revilla Jr. Ang Senate Bill number 675 na nag-aamyenda sa PNP Reform and Reorganization Act of 1998.
Layunin ng panukala ni Revilla na ipinareserba sa mga babae ang 15 percent ng taon-taong recruitment at training ng mga bagong pulis.
Matapos ang limang taon, itataas ito sa 20 percent at unti-unti pang daragdagan sa mga susunod na taon.
Batay aniya sa talaan ng PNP, 83.4 percent ng mahigit 180-thousand na pulis ay lalaki at 16.6 percent lang ang mga babae.
Diin ni Revilla, mahalagang madagdagan ang mga babaeng pulis na magmamando ng women’s desk sa mga tanggapan ng PNP na humahawak sa mga kaso na sangkot ay mga bata at kababaihan.
Facebook Comments