Mga babala ng DOH ukol sa dengue, dapat seryosohin

Iginiit ng Department of Health (DOH) na seryosohin ang kanilang mga panawagan na mag-ingat laban sa sakit na dengue.

Sa datos ng DOH, aabot na 115,986 na ang kaso ng dengue sa bansa at nasa 491 na ang nasawi.

Ang Regions 3, 10, 12 at BARMM ang nasa alert threshold.


Ang Region 4A, 5, 6, 8, 9 ang lumagpas sa epidemic threshold.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director, Dr. Ferchito Avelino – wala pa ring aprubadong bakuna ang Food and Drug Administration (FDA) kontra dengue.

May tamang paraan din aniya sa pagsasagawa ng epektibong pagpapausok o fogging.

Nilinaw din ng DOH na walang bagong strain ng dengue.

Facebook Comments