Mga babiyahe mula international airport at seaport ng Palawan at Mindanao patungong East Asian Growth Area, wala nang babayarang travel tax

Hindi na kailangang magbayad ng travel tax ang mga pasahero na magmumula sa international airport at seaport ng Palawan at Mindanao na pupunta sa East Asian growth area.

Sa inilabas na Executive Order No. 29 ng Malacañang, layon ng kautusan na palakasin ang ekonomiya sa Palawan at Mindanao.

Partikular sa sakop ng travel tax exemption ang mga lilipad papuntang bansang Brunei, ilang bahagi ng Indonesia at Malaysia.


Kasama rin sa exemption maging ang mga pasaherong may connecting flight sa Mindanao at Palawan papunta sa mga nabanggit na bansa.

Ang Infrastructure and Enterprise Zone Authority ang inatasang mag-isyu ng Travel Tax Exemption Certificate.

Magiging epektibo ang kautusan, 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette at tatagal hanggang June 30, 2028.

Facebook Comments