Huhulihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampublikong sasakyan na hindi nakapag-consolidate para sa PUV modernization program ng gobyerno simula sa May 1.
Ito ay kasunod ng desisyon ng pamahalaan na hindi na palawigin pa ang deadline ng application ng franchise consolidation ng mga PUV sa April 30.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, matapos ang itinakdang deadline ay maaari nang i-apprehend o hulihin ng LTFRB ang mga PUV na walang maipakitang consolidation paper mula sa ahensya.
Gayunpaman, bibigyan pa rin ng pagkakataon ng LTFRB ang mga mahuhuling jeep na magpaliwanag sa pagmamagitan ng pag-iisyu ng notice o show cause order.
Kung hindi makikitaan ng ahensya ng sapat na batayan ang paliwanag ng unconsolidated PUVs at tsaka palang susupindehin ng LTFRB ang mga ito.
Dagdag pa ni Guadiz na mahigpit na tututukan ng LTFRB at iba pang ahensya ng gobyerno ang mga pampublikong sasakyan simula sa Mayo 1 para matiyak na kung susumusunod ang mga ito sa consolidation requirement ng pamahalaan.