Mga baboy na ibinebentang walang permit, kinumpiska sa Quezon City

Kinumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Veterinary Department ang ibinentang baboy sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon kay QC Veterinary Department Head Dra. Ana Marie Cabel, aabot sa 65 kilos ang kanilang nasamsam.

Paliwanag pa ni Dra. Cabel na wala umanong Meat Inspection Certificate ang mga nasamsam nilang mga baboy.


Dagdag pa ng opisyal na may indikasyon umano na hindi galing sa slaughter house ang mga karne ng baboy na itinuturing na hot meat.

Binigyang diin pa ni Cabel, nakatanggap sila ng reklamo at kasunod nito ay nagsagawa sila ng isang linggong surveillance.

Dahil dito, mahaharap sa reklamong paglabag sa Quezon City Veterinary Code at Meat Inspection Code of the Philippines ang nagtitinda ng baboy.

Facebook Comments