Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na magbibigay sila ng tulong sa mga hog raiser o nag-aalaga ng baboy kasabay ng pagkakasakit ng baboy.
Nito lamang madami ng baboy ang kinumpiska sa bahagi ng Rizal at Bulacan nang sa ganun mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga baboy.
Ayon sa ilang negosyante, nalulugi na sila matapos kumpiskahin ang kanilang alaga.
Sinabi ni OIC D.A Secretary William Dar, may tulong pinansyal silang ipagkakaloob sa mga hog raiser.
Bukod pa sa pagbibigay ng biik bilang panimula ng negosyo kapag naayos na ang problema sa baboy.
Sa ngayon hindi pa rin tukoy kung anong sakit ang tumama sa mga baboy.
Pero para matiyak na hindi mapupunta sa merkado ang mga kontaminadong karne, maraming checkpoint ang inilatag.
Samantala, hindi nagustuhan ni DA Secretary Dar ang proseso ng pagpatay ng baboy sa Antipolo, Rizal na inilibing na lang ng buhay.