Mga baboy sa isang barangay sa General Santos, sasailalim sa culling dahil sa ASF

 

Ilang baboy sa Barangay Baluan sa General Santos City ang isasailalim sa culling ng lokal na pamahalaan.

Ito ay matapos magpositibo ang tatlong baboy sa African swine fever (ASF) sa isinagawang random blood testing ng General Santos Veterinary Office.

Upang mapigilan ang paglawak ng epekto nito ay iniutos na kakatayin lahat ng baboy na nasa 500-meter radius ng naturang barangay.


Kahapon ay aabot sa 77 baboy ang kinumpiska sa ground zero ng ASF contamination.

Dagdag pa rito, nagsagawa rin ng disinfection sa mga pig pens upang mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.

Makakatanggap naman ng 2,000 hanggang 5,000 piso sa kada kakataying baboy at biik.

Facebook Comments