Nagsagawa ng inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Mapandan sa mga babuyan dito bilang pag-iingat sa African Swine Fever.
Ito ay matapos makapagtala muli ang bayan sa probinsiya ng naturang sakit.
Ayon sa lokal na pamahalaan sa kasalukuyan, mayroong 18 hog traders. Ilan sa mga ito ay wala umanong stock at ang iba naman ang kanilang baboy ay mula sa Mindoro, Bacolod, Bicol at Camarines Sur.
Ang ilan naman ay hinakot na ang kanilang mga baboy upang ibalik sa kanilang place of origin.
Ilan pa sa mga baboy sa bayan ay mula sa Sta. Barbara at Bugallon.
Sa isinagawang inspeksyon lumalabas na wala ni isang baboy dito ang nagpapakita ng sintomas ng ASF, gaya ng lethargy, anorexia, pamumula ng balat ng baboy, pagtatae, lagnat at iba pa. | ifmnews
Facebook Comments