
Ipinasasama ni Senate Minority Leader Tito Sotto III sa planong “shame campaign” laban sa mga lumalabag sa batas trapiko ng Department of Transportation (DOTr) ang mga sasakyan ng mga opisyal ng gobyerno na may back-up cars.
Tinukoy ni Sotto na ang mga back-up cars na ito ay laging lumalabag sa traffic rules sa mga lansangan.
Ayon kay Sotto, ang mga ito ay madalas sangkot sa swerving at paniningit o panggigitgit ng ibang mga sasakyan kaya dapat lamang silang isama sa planong shame campaign.
Sa kabilang banda, pinatitiyak naman ni Senator JV Ejercito na walang nilalabag na karapatan ang DOTr bago ang planong pagsasagawa ng shame campaign.
Inirekomenda naman ni Senator Erwin Tulfo na ang isama naman sa shame campaign ay iyong mga paulit-ulit na lumalabag sa batas trapiko.









