Manila, Philippines – Bubuo ang mga Neophyte Congressmen ng sariling bloc o grupo sa Kamara sa pagpasok ng 18th Congress.
Ito ang napagkasunduan ng mga bagitong mambabatas matapos ang ginanap na dinner sa Malacañang kamakailan.
Ayon kay Masbate Representative Wilton Kho, bago pa man pumasok ang susunod na Kongreso ay plano na nilang mga baguhang mambabatas na bumuo ng sariling Bloc.
Layunin na tulad sa ibang bloc sa Kamara ay makilala din ang kakayahan ng mga Neophyte Congressmen.
Una ng sinabi ni House Secretary General Roberto Maling na tinatayang nasa 135 hanggang 145 ang mga first – timer congressmen ang uupo sa pagbubukas ng Kongreso sa July 22.
Dahil sa mataas na bilang ng mga bagong kongresista ay inaasahan na maglalaro sa 304 hanggang 306 ang mga mauupong kongresista ng 18th Congress.