Mga bagon ng MRT-3, sumailalim sa disinfection process

Pinasimulan na kanina ang sanitasyon ng mga bagon ng tren sa MRT 3 North EDSA terminal bilang isa sa precautionary measures para protektahan ang mga pasahero laban sa COVID-19.

Hindi basta pinakikita sa media ang gagawing disinfection process sa mga tren ng MRT Line 3.

Nilimitahan lamang sa isang media ang coverage sa aktibidad sa lugar.


As of 9 am, dagsa pa rin ang pasahero sa MRT-3, ang iba ay nakasuot ng face mask habang ang iba ay dedma lang.

Kung tutuusin normal lang ang galaw ng mga commuters at dedma lang ang usapin sa COVID-19 ang mahalaga, anila, ay makapasok sa trabaho.

Facebook Comments