Mga bagong abogado, dapat maging sandigan ng mga naghahanap ng kalinga ng batas ayon kay VP Sara Duterte

Hinimok ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga 3,812 na mga nakapasang bagong abogado na makipagtulungan sa pagtatayo ng lipunang nagkawatak-watak, at isulong ang pagkakaisa, makatarungan at lahat ay kasama na mabigyan ng hustisya.

Ang pahayag ni VP Sara ay kasunod ng pagbati sa mga nagtapos ng abogasya na nakapasa sa 2023 Philippine Bar Examinations.

Ayon kay VP Sara, ang kanilang tagumpay ay dahil na rin sa kanilang pagsisikap, sakripisyo, at katatagan sa harap ng paghihirap at mga pagsubok na kanilang naranasan.


Paliwanag pa ng pangalawang pangulo na ang mga bagong abogado aniya ay dapat maging sandigan ng mga naghahanap ng tunay na hustisya.

Umaasa si VP Sara na ang mga bagong abogado ay maglilingkod ng tapat sa kapwa Filipino na may kababaang-loob, integridad, at may pangakong isusulong ang hustisya, protektahan ang mga karapatan, at magsisilbing advocates ng mga nangangailangan ng masasandalan sa hinahanap na katarungan.

Facebook Comments