Sunday, February 1, 2026

Mga bagong abogado, dapat maging tapagtaguyod ng rule of law

Nagpa-abot ng pagbati si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, na isa ring abogado, sa mga bagong pumasa sa bar exams.

Payo ni Ridon sa mga bagong abogado, palaging itaguyod ang rule of law o pagsusulong sa batas na syang pundasyon ng isang makatarungang lipunan.

Diin ni Ridon, mahalaga ang patuloy na pagsasalita ng katotohanan sa harap ng kapangyarihan upang hindi manaig ang kawalang-hustisya sa bansa.

Pinayuhan naman ni ridon ang mga nabigong pumasa sa bar exams na huwag mawalan ng pag-asa.

Facebook Comments