Mga bagong abogado, pinayuhan ni PBBM na pairalin ang integridad para sa patas at pantay na justice system sa bansa

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga bagong abogado ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang paglalabas ng Korte Suprema ng listahan ng mga nakapasa sa board exam.

Sa mensahe ng pangulo, pinayuhan nito ang mga bagong abogado ng bansa na manatiling tapat sa dahilan kung bakit nila napili ang pagiging abogado.


Pairalin aniya sana palagi ng mga ito ang integridad, at manatiling nagkakaisa upang masiguro na lahat ng mga Pilipino ay magbebenepisyo sa isang patas at pantay na justice system sa bansa.

Sa 2023 Bar Examinations, nasa 3, 812 na takers ang nakapasa sa Bar Exam, mas mababa kumpara sa 3, 992 na nakapasa noong 2022 Bar Exam.

Facebook Comments