Mga bagong armas ng mga sundalo, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kundisyon na hindi ito isusuko ng buhay sa mga kalaban

Maguindanao – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasundaluhan na pagkakalooban niya ang mga ito ng mga bagong armas sa kundisyon na hindi nila isusuko ito ng buhay sa mga kalaban.
Ito ang inihayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng 603rd Infantry Brigade sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon kay Duterte, bibili ng mga bagong kalibre kwarenta’y singko na baril ang gobyerno at nakatakda na itong ibigay sa mga sundalo ngayong taon.

Giit ng Pangulo, mahal ang presyo ng baril kaya pinayuhan niya ang mga sundalo na huwag ito basta-basta isusuko sa mga kalaban.
Samantala, una nang binigyan ni Duterte ng bagong issue na baril ang apat na sundalo na medal awardees.
DZXL558

Facebook Comments